Una sa Balita

Bato iniyakan ang pamamaalam sa PNP

By
0 1,311

Naging emosyonal ang pagpapaalam ni outgoing­ Philippine National Police (PNP) Chief Director Ge­neral Ronald ‘Bato’ Dela Rosa sa kanyang huling flag raising ceremony kahapon ng umaga sa Camp Crame sa Quezon City.

Sa talumpati ni dela Rosa, nagpasalamat siya sa mga pulis na kanyang nakasama sa isang taon at siyam na buwan niyang panunungkulan bilang pinuno ng kapulisan.

“From the bottom of my heart, maraming sa­lamat sa inyong tulong habang ako’y inyong Chief PNP. Maraming, maraming salamat po.” saad nito sa kanyang mga tauhan.

Habang sinasabi ni Dela Rosa ang kanyang talumpati ay nangingilid ang kanyang mga luha at panay ang pahid nito ng kanyang kamay sa kanyang mga mata.

Humihingi din ito ng paumanhin sa kanyang mga pagkukulang at kung may nadismaya umano sa kanyang panunugkulan bilang PNP chief.

Si dela Rosa ay papalitan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Director Oscar Albayalde.

Sa kanyang huling press conference, ibinida ni dela Rosa ang resulta ng anti-illegal drug campaign ng pulisya sa pamamagitan ng ‘Oplan Double Barrel reloaded’ na sinimulan lang nitong Enero 2018.

Sa datos na binasa ng opisyal, sa 12,042 anti illegal drugs operation sa buong bansa mula Enero ay nakadakip ang mga awtoridad ng aabot sa 19,086 na mga drug offender.