Una sa Balita

Bato: Giyera kontra droga type ng mga Pinoy

0 293

NANINIWALA si dating Philippine National Police (PNP) chief at senatorial candidate Ronald ‘Bato’ dela Rosa na malaking tulong sa kanyang kandidatura ang kampanya laban sa iligal na droga ng administrasyong Duterte.

“Kung masama ang war on drugs, hindi tayo iboboto dahil galit sila. But as of now hindi na kailangan pa na iyon ang magiging validating factor ng pagkapanalo ko,” wika ni Dela Rosa.

Inungkat pa ng senatorial candidate ng PDP-Laban ang resulta ng survey ng Social Weather Station noong Disyembre 2018 kung saan 66 percent ng mga respondent ang nagsabing bumaba ang bumabatak sa kanilang lugar. Halos 8 naman sa bawat 10 Pinoy ang kuntento sa giyera kontra droga ng gobyerno, ayon sa survey ng SWS noong Setyembre 2018.

“Bumaba ng husto, meaning epektibo ang ating war on drugs,” saad ni Dela Rosa.

Binanggit din ni Dela Rosa na malaking tulong din ang hatak sa masa ni Pangulong Duterte para sa ikapapanalo niya sa darating na halalan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy