Una sa Balita

Bato: Espenido niresbakan ng ‘narco cops’

0 509

POSIBLE umanong trinabaho si Police Lt. Col. Jovie Espenido ng “narco cops” na kanyang nasagasaan sa kanyang nagdaang mga operasyon.

Ito ang paniwala ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa matapos maisama ang pangalan ni Espenido sa listahan ng mga ­police officer na sangkot sa iligal na kalakalan sa droga.

“Ikaw dahil active ka sa anti-drug ops tapos may nasagasaan ka na narco cop tapos ‘yung narco cop na ‘yun nasa intel community. Puwede ka gawan, resbakan ka ng narco cop na ‘yan by creating derogatory record against you,” pahayag ni Dela Rosa sa panayam kahapon.

Gayunpaman, kumpiyansa ang dating Philippine National Police (PNP) chief na malulusutan ni Espenido ang ibibintang sa kanya.

“Info kasi ‘yan na pumapasok tapos ‘di lang na-validate kaya umabot itong panahon na ito. Kaya nalagay siya sa listahan. I’m sure malulusutan niya ‘yan,” sambit pa ni Dela Rosa.

Medyo nalungkot umano siya sa pagkakasama ng pangalan ni Espenido pero kilala umano niya ang pagkatao nito at isa ­siyang malinis na pulis.

“Malinis siya. Depende sa ebidensiya na lalabas during the investigation pero ako I am very positive (makakalusot), knowing him,” saad pa ni Dela Rosa.

“Nagulat ako pero expected ko na ‘yan. Nireresbakan ka, that’s how dirty drugs is, nga­yon good boy ka bukas bad boy ka, ngayon bad boy ka bukas puwede kang maging good boy. Makikita mo impluwensiya ng sindikato,” ayon pa sa senador. (Dindo Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More