Una sa Balita

Batman buhay na buhay kay Robert Pattinson

0 465

Inilabas na ang first image ni Robert Pattinson bilang ang bagong Batman ng DC Universe. Muling nabuhay ang career ng Twilight star dahil siya ang napili ng director na si Matt Reeves para magbida sa pelikulang The Batman pagkatapos nang mag-resign si Ben Affleck sa iconic superhero role na ito.

May 2019 noong i-announce ng DC na si Pattinson ang gaganap bilang Bruce Wayne / Caped Crusader in The Batman. Tinalo nga niya ang ibang actors na nag-audition tulad nina Nicholas Hoult, Armie Hammer and Aaron Taylor-Johnson.

Ang iba pang kasama sa cast ng The Batman ay sina Zoe Kravitz as Selina Kyle a.k.a. Catwoman; Jeffrey Wright as Commissioner Gordon; Colin Farrell as The Peguin; Paul Dano as The Riddler; and Andy Serkis as Alfred Pennyworth. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More