Una sa Balita

Batiller matikas, Letran dalawang sunod

0 235

Mga laro bukas: (EAC Gym)
4:00pm — San Beda U vs EAC

TINUHOG ng Letran Knights ang back-to-back wins matapos nilang pagulungin ang Jose Rizal University Heavy Bombers, 55-43, kahapon sa 95th NCAA basketball tournament sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Nagpakitang-gilas si Bonbon Batiller matapos magtala ng 14 points at tig-apat na rebounds at assists upang tulungan ang Intramuros-based squad Knights na ilista ang 2-1 karta.

Bukod sa opensa, ipinakita ng Letran ang kanilang lakas sa depensa, nilimitahan nila ang Heavy Bombers sa 16-of-57 shooting sa field (28%) kasama ang pagdomina sa rebounds, 44-29.

“Kailanganin namin ang isang veteran like him, mabuti nag step Bonbon, (Batiller),” saad no coach Bonnie Tan.

Ipinaramdam agad ng Letran ang kanilang tikas ng harurutin nila ang Heavy Bombers sa unang dalawang period, hawak nila ang 13-point lead, 30-17 sa halftime.

Kumana si Ry dela Rosa ng 15 puntos at tatlong rebounds para sa JRU na walang pang panalo sa tatlong laro.

Samantala, sumalo sa top spot ng team standings ang San Sebastian College Stags, pinagpag nila ang Mapua cardinals, 92-68 sa pangalawang laro.

Malinis sa dalawang panalo ang Stags matapos silang akbayan ni RK Ilagan na nagtala ng 20 puntos, walong assists at apat na rebounds habang nalasap ng Cardinals ang pangalawang sunod na talo. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy