Una sa Balita

Batiller, Letran pinutol ang malas

0 258

Mga laro ngayon:
(FilOil Flying V Centre)
12:00nn — Perpeyual help vs CSB
2:00pm — San Beda U vs Mapua
4:00pm — EAC vs Lyceum

TINULDUKAN ng Letran Knights ang kanilang two-game skid matapos silang akbayan ni Bonbon Batilller laban sa Arellano University Chiefs, 97-84, sa unang laro kahapon sa 95th NCAA basketball tournament sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Kumayod si Batiller ng 18 points para sa Intramuros-based squad at palakasin ang kapit sa third spot ng team standings.

May kartang 10-6 ang Knights na nakakuha rin ng tulong sa opensa kina Larry Muyang at Jeo Ambohot na nagtala ng tig-15 markers.

Maagang tumuhog ng bentahe ang Knights matapos hawakan ang seven-point lead, 28-21, sa first canto.

Sa second game, inako ni Alvin Capobres ang opensa ng San Sebastian College Stags para pagulungin ang Jose Rizal University Heavy Bombers, 62-59.

Nangalabaw si Capobres ng 21 points upang tulungan ang Stags na kalsuhan ang kanilang three-game losing skid at ilista ang 8-6 karta. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy