Una sa Balita

Batas sa mabilis na pag-aampon pirmado na ni Duterte

0 374

Hindi na magiging pahirapan at hindi na kailangang maghintay ng mahabang panahon para makapag-ampon.

Ito ay matapos lagdaan ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 11222 o ang Simulated Birth Rectification Act.

Batay sa bagong batas, hindi dapat lalagpas sa tatlong buwan ang pagproseso ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa petisyon ng mga gustong mag-ampon.

Sa sandaling maaprubahan, mabibigyan ng bagong birth certificate ang bata at ibibigay dito ang karapatan at lahat ng prebilihiyo ng isang lehitimong anak batay sa itinatakda ng batas.

Bukod sa mabilis na proseso, mabibigyan din ng amnestiya ang mga nagmanipula ng birth records.

Wala nang aalalahanin sa ano­mang pananagutan o pagkakulong ang mga nagmanipula ng birth records ng mga batang inaampon na nasa edad 18 pababa.

Nakapaloob sa bagong batas na mabibigyan ng amenstiya ang mga nagmanipula ng birth records ng isang bata na ang layunin lang naman ay mapaganda ang kapakanan at ituring na tunay na anak ng mga kumalinga sa kanya.

Ang bagong batay ay pi­nirmahan ni Pangulong Duterte noong Pebrero 21, 2019.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy