Una sa Balita

Batas sa forever mobile phone number pirmado ni Duterte

0 430

PINIRMAHAN na ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte bilang batas ang Repub­lic Act 11202 na nag-oobliga sa mga mobile service providers na ga­wing permanente ang mobile phone ­numbers ng kanilang mga ­customer.

Sa ilalim ng Mobile Number Portability Law, mapapanatili ng subscri­ber ang kanilang mobile phone numbers kahit na magpalit pa ang mga ito ng network provider o magpalit ng subscription mula postpaid patungo sa prepaid o vice versa.

Gayunman, mangyayari lamang ito kung ang subscriber ay walang utang sa kasalukuyan nitong service provider.

Nililinaw din sa bagong batas na walang bayad ang paglilipat ng ibang network, at ang service provider na lalabag o hindi magpapatupad sa mobile number portabi­lity ay pagmumultahin ng National Telecommunications Commission (NTC).

Pinakamababang multa ay P10,000 at maaaring umabot ito ng hanggang isang mil­yong piso, at pagbawi sa prangkisa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy