Una sa Balita

Batas sa e-sabong nararapat – GAB

By
0 263

HIGIT na mabibigyan ng sapat na kapangyarihan ang Games and Amusement Board (GAB) na masawata ang iligal na online sabong o e-­sabong sa panukalang batas sa House of Representative na magkaroon ng legal na regulasyon ukol dito.

“Kami po sa GAB ay natutuwa sa suportang ibinibigay sa amin ng Kongreso. Marami na po kaming natatanggap na reklamo hingil sa e-sabong betting pero nakatali ang aming mga kamay dahil wala ka­ming pinanghahawakang legal para dito,” ani GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra.

Ayon naman kay GAB Legal Division Chief Atty. Ermar Benitez, dagok sa pamahalaan kung hindi mabantayan ang pustahan sa mga e-sabong.

“That’s the only role left with the GAB. That is why we support very much the House bill because it already specifically provides what kind of regulation the national government can do through GAB,” ani Benitez.

Matapos ang pakiki­pagpulong ng mga opis­yal ng GAB, stakeholder sa horseracing at sabong sa House of Representative nitong Lunes,  isang technical working group (TWG) ang binuo ng House Committee on Games and Amusement upang bumuo ng isang panukalang batas para sa regulasyon ng e-­sabong.

Inatasan ni Committee chairman Rep. Gus Tambunting ng ­Parañaque City si Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe na mamumuno sa TWG.

Ayon kay Batocabe, kailangang maging klaro ang kapangya­rihang maihahatag sa GAB para masugpo ang iligal na gawain, gayundin na mapatawan ng kaparusan ang mga lokal na pamahalaan na nakapagsasagawa ng e-sabong.