Una sa Balita

Batas para sa libreng matrikula pinirmahan na ni Duterte

By
0 168

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte para maging ganap na batas ang libreng matrikula sa state colleges and universities (SUCs).

Ang free tuition fee act ay pinirmahan ng Pangulo, ayon kay Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra bago mapaso ang 30-day period.

“Since many people have been waiting for the president’s action for the very important enrolled bill that was passed by congress last May entitled Universal Access to Quality Tertiary Education, I am pleased to announce that last night, August 3, 2017, the President signed the enrolled bill,” paghahayag ni Guevarra.

Pinirmahan ng  Pangulo ang bill sa kabila ng pagiging bantulot ng ilang miyembro ng kanyang economic team na aprubahan ito.

Nauna nang sinabi ni Budget Secretary Benjamin Diokno na hindi kakayanin ng gobyerno na pasanin ang gastos  sa libreng tuition fees sa SUCs.

Sinabi pa ni Diokno na kailangang magpaluwal ng pamahalaan ng P100 bilyon taun-taon sa sandaling maisabatas ang free tuition fee.