Una sa Balita

Batas kontra fake news isusulong

0 718

Bagama’t isang imbestigasyon na ang ipapatawag ng Kongreso sa pagkalat ng fake news tungkol sa Southeast Asian Games ay plano pa rin ng ACT Partylist na magsulong ng panukalang batas laban dito.

Ayon kay ACT-CIS Cong. Eric Yap, ang fake news ay dapat ituring na kasalanan na marapat lamang na patawan ng parusa ang may kagagawan ng walang katotohanang balita.

“Since hindi totoo at ikinalat pa ang tsismis, dapat kasuhan ang nag-umpisa o nagpakalat nito tulad sa isang rumor mongering,” ani Yap.
Ang rumor mongering o tsismis ay isang kaso na may katapat na parusang pagkaka­bilanggo.

“Isang batas ang aking ihahain para parusahan ang sinumang magpapakalat ng fake news o maling balita” pahayag ni Cong. Yap.

Matatandaan na bago nag-umpisa ang 30th SEA Games ay nagkalat ang fake news hinggil sa palpak na preparas­yon umano ng gobyerno sa naturang palaro, pero makalipas ang ilang araw ay lumabas ang katotohanan na pawang gawa-gawa lamang ang ma­ling balita na palpak ang preparasyon ng pamahalaan.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More