Una sa Balita

‘Batas ba `yon? O pauso lang?’ Angelica Panganiban kinuwestiyon ang ‘patakaran’ ni Mayor Vico Sotto

0 1,755

Tinanong tuloy ng isang Twitter user si Angelica Panganiban kung wala raw ba itong treadmill sa bahay o kahit yoga mat.

Sey ni @_ngalhe0, “Ate angel, wala po ba kayong treadmill? Or kahit po yoga mat? Baka pwede sa bahay kayo mag-work out para mas safe ka po.”

Tila kinukuwestiyon ng Kapamilya actress kung bakit daw bawal sa village nila, which is located at Pasig City na pwedeng lumabas para ilakad ang aso, pero hindi puwedeng mag-exercise tulad ng jogging.

Sey niya, “Yung exercise tulad ng jogging, bawal sa village namin. Malinaw naman ang protocol. Pero pwede ka lumalabas para ilakad ang aso, bumili ng grocery. Pero yung pang pa healthy, bawal sa Pasig? Patakaran po ba ito ng mayor natin?”

Ang mayor ng Pasig ay si Mayor Vico Sotto na super love ng halos lahat ngayong COVID-19.

May nag-comment naman sa tweet ni Angelica na, bakit daw hindi na lang nito isama ang aso o mag-jogging papuntang grocery.

Sinagot ito ni Angelica na wala siyang aso.

“Wala akong aso. Essentials ang grocery. At pagbili ng gamot. Yung takbo para sa immune system yun para tumibay ang katawan natin. Holding hands at magkayakap ba ang mga tao pag tumatakbo?”

Dahil sunod-sunod ang mga sumagot sa tweet ni Angelica at nagsabi rin dito na basic essentials lang daw kasi ang puwede at puwede naman itong mag-exercise sa loob ng bahay at sinabihan din na konting tiis lang.

Kaya sumagot muli ang actress at sinabing nagtatanong lang naman siya at hindi rin daw siya nanonood ng news dahil iyak lang siya nang iyak after.

Aniya, “Nagtatanong lang ako. Gusto kong malaman kung batas ba yun o pauso lang. Hindi kasi ako nanonood ng balita dahil iyak lang ako ng iyak kapag nakikita ko nangyayari. In times like these kailangan natin ng positive mind para maiwasan ang depression.”

7 taon nang walang dyowa:

Katrina Halili ayaw nang humanap ng lalaki

Nakapalitan namin ng private messages si Katrina Halili. Katulad din ng ibang mga artista ngayon, nasa bahay lang din si Katrina at sumusunod sa enhanced community quarantine.

Pero sey niya, “introvert” naman daw kasi siya. At talagang work-bahay lang naman daw talaga ang normal na routine niya sa buhay. Mas enjoy siya na kasama ang anak na si Katie.

Kaya kapag tinatanong nga ito na may relasyon o boyfriend na, sinasabi ni Katrina na wala talaga at pitong taon na raw siyang walang lovelife. At feel niya, hindi rin naman siya makakahanap dahil nga work-bahay lang naman siya.

So kung ang halos lahat ay nag-a-adjust sa “stay-at-home” kay Katrina, sanay na raw siya. At may naiisip din ito pagkatapos ng lahat, kapag nasugpo na ang COVID-19 at bumalik na sa normal ang lahat.

Aniya, “Naisip ko na after this quarantine, sana magkaroon tayo ng kahit once-a-week na quarantine. Para less pollution, more quality time for love ones.”

At naniniwala raw siya na matatapos din ang lahat ng ito at sey pa niya, “May reason lahat ng nangyayari. Hindi lang natin masagot ngayon, malalaman din natin ‘yan kapag natapos na ang pandemic.”

‘Dominic Roque’ damay sa galit ni Enchong Dee

Kampanya at election pa lang dati, nakitaan na namin si Enchong Dee na iba kumpara sa ibang artista.

Hindi siya takot i-voice-out ang opinyon niya sa mga bagay-bagay, lalo na sa gobyerno. At ngayong panahon ng COVID-19, talagang pinakita niya through his tweet ang galit niya sa mga V.I.P. na nagpa-COVID test kahit wala namang pinapakitang sintomas.

Sabi ni Enchong, “Very Inconsiderate People” raw ang ibig sabihin ng V.I.P. Kaugnay ito ng pagkamatay ng apat na doctors na at karamihan, under quarantine at PUI o PUM na.

Bukod dito, pinost niya rin ang mga pangalan ng mga politiko at ilang “privileged” na nagpa-COVID test. At sabi nga niya, “Remember these names.”

Yun nga lang, marami ang natawa at pinakiusapan si Enchong na palitan daw nito ang pinost na listahan. Ang Kapamilya star na si Dominique Roque (Dominic) ang nakalagay instead na si Francisco Duque na DOH Secretary.

May nag-comment na, “Naku, hindi kaya ma-bash si Dominic Roque? Hahaha!”

Agot Isidro sumingaw ang galit kay Sen. Pimentel

Nag-comment na rin si Agot Isidro sa kanyang Twitter account, following the news na tested positive COVID-19 ang Senador na si Koko Pimentel.

Kasunod kasi ng balitang positibo ang senador sa COVID-19, lumabas naman ang news na nagwo-worry ang mga medical staff ng Makati Medical Center. Alam na raw kasi nito na COVID-19 PUI noon, pero, sinamahan pa ang misis na buntis at itinago raw ang impormasyon at nag-iikot pa sa MMC OB kunsaan, marami ang posibleng na-exposed tulad ng mga OB Gyne, nurses, staff at newborn babies.

Hindi man nagbanggit ng pangalan si Agot kung sino ang tinutukoy niya, pero mababasa sa mga comments sa tweet na yun ni Agot, obvious na ang Senador ang naisip agad ng mga netizens.

Sabi sa comment ng isang netizen, “It takes 16-20 years to replace a Fallen Doctor, but only 6 years to replace a Senator.”

Ang saktong tweet ni Agot, “You had yourself tested, you broke quarantine guidelines, you visited a hospital, risking the health of the many doctors and nurses and patients there… Hindi mo nakuha yung memo ni influencer, no???

“Di nag-iisip eh. Reckless endangerment yan di ba?”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More