Una sa Balita

Batangas vs Metro sa Pasay, Mar. 8 na

By
0 564

WALA nang atrasan ang bakbakan ng Batangas­ at Metro Manila bigtime cockers sa Biyer­nes, Mar. 8 sa Pasay City Cockpit na “PL2 Malainin 5-Cock Derby” na tinatayang lalampas sa 100 ang mga sultada.

Ikatlong ‘Big Event’ na ito ng Pasay Cockpit para 2019 matapos ang 171 sultada sa Bulldog 6–Cock Derby noong Feb. 8 na inabot sa 132 ang mga laban at ang nitong Biyernes na Tiger Shark and NML 6–Cock Derby.

Mangunguna ang host PL2 Malainin group ng Batangas, grand finalist sa 2019 World Slasher Cup 1 at World Pitmasters Cup, sa mga tulong ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

Kaugnay nito, bitaw ngayon sa sa PCC ang “Hackfight Circuit 3–Cock Derby”.

Kasunod ang second leg 7–bullstag derby ng LGBA Cocker of the Year series sa Mar. 11.

Lider sa COTY race sina Hermie Pagtalunan ng Franzopia, Jed Antonio ng Jedi Master, Joven at Jess Mateo ng Jubilum at Ninety One entries, Allan Chan ng WWW at Alex/Aristotle Aguirre ng Lightning Blade Alexa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy