Una sa Balita

Batangas, Lucena markado kay Duterte sa iligal na droga

0 294

NASA red flag ng mga awtoridad ang lalawigan ng Batangas at Lucena City dahil sa iligal na droga.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagbisita sa Batangas City para ikampanya ang mga kandidato ng administrasyon.

Sa harap ng mga taga-Batangas ay inihayag ng Pangulo na ang kanilang lalawigan, pati na ang Lucena City ay mahigpit na binabantayan dahil sa operasyon ng sindikato sa iligal na droga.

“Please do not be offended. Tutal para sa bayan man ito at wala ho akong tinutukoy na tao dito. I talk on general terms but apparently Lucena and Batangas right now appears to be with a red flag in the map sa drug scene,” anang Pangulo.

Matatandaang sa isang farm house ng isang politiko sa Batangas nasakote ang isang miyembro ng kilabot na drug cartel mula sa Mexico noong 2013 at nasamsam ng mga awtoridad ang P420 mil­yong halaga ng iligal na droga.

Sinabi ni Pangulong Duterte na maraming galamay ang sindikato sa nabanggit na mga lugar at hindi niya papayagang mama­yagpag ang mga ito.

“Marami, kaya bukas mag-harvest na naman tayo. Kaligaya ko na lang pumatay ng putang inang kriminal,” dagdag ng Pangulo.

Batay sa inilabas na narco list ni Pangulong Duterte noong naka­lipas na buwan, tinukoy nito ang mga alkalde ng Lemery at Ibaan sa Batangas, at alkalde ng Lucena City na sangkot sa illegal drugs na itinanggi naman ng mga ito at iginiit na politika ang ugat ng bintang laban sa kanila. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy