Una sa Balita

Batangas isinailalim na sa state of calamity

By
0 352

Sa ikalawang araw ng pagsabog ng bulkang Taal, isinailalim na sa state of calamity ang lalawigan ng Batangas.

Pasado ala-1:30 ng hapon nang magsagawa ng special session ang sangguniang panlalawigan at idineklara ang state of calamity sa probinsya.

Ito ay upang magamit ang calamity fund ng lalawigan at para sa mga kinakailangan pang tulong para sa libong-libong evacuees na naapektuhan ng pagsabog.

Samantala, kaagad ding kumilos ang mga kalapit probinsya ng Batangas at nagpadala na ng mga tulong.

Nagpadala ng 7-man team at dalawang rescue vehicles ang lalawigan ng Quezon mula sa kanilang Provincial Disaster Risk Reduction Management Council para tumulong sa rescue operation at mass evacuation.

Maging ang lalawigan ng Laguna ay nagpadala na rin ng kanilang mga rescue team sa mga apektadong lugar sa Batangas.

Patuloy pa ang isinasagawang rescue operation sa natitira pang residente sa mga pinaka mga apektadong lugar partikular ang mga bayan ng Agoncillo, Laurel, Talisay at San Nicolas.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More