Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Batangas bubble training kinakasa

0 34

MULA lima hanggang pitong teams ang inaasahan ni commissioner Willie Marcial na sasamang mag-practice sa Batangas City.

Sinadya nina Marcial at Ginebra governor Alfrancis Chua sina Batangas City Mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvey Marino noong isang araw, suportado ng dalawang opisyal ang balak ng PBA na mag-train sa local gyms, ini-offer pa ang Batangas Coliseum at ang gym sa Batangas State University bilang practice venue.

SM food to go Banner Ad

“Tapos titingnan pa nila ‘yung ibang eskuwelahan, parang Lyceum, kung pupuwede pa na pangatlo,” dagdag ni Kume.

May ilang coaches na humiling na makita ang protocols ng lalawigan at ng venue. Ito ang aalamin ni Marcial pagbalik sa Batangas City sa Biyernes, nasa MECQ ang NCR-Plus kasama ang Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal hanggang May 14, puwedeng mag-ensayo sa ibang lugar ang PBA teams basta nakatupad sa protocols at requirments ng PBA, ng LGU at IATF. (Vladi Eduarte)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.