Una sa Balita

Batang walang kamay, honor student sa Negros Occidental

0 179

Ipinanganak si Niño Dayon nang walang mga kamay.

Subalit hindi ito naging hadlang para mapi­gilan siya sa mga gawaing bahay dahil nagagawa niyang magsibak ng kahoy, maglagari at magmartilyo.

Hindi rin nagpapabaya sa pag-aaral ang walong anyos na si Niño, katunayan ay Grade 3 honor student siya sa isang eskuwelahan sa Kabankalan City, Negros Occidental.

Kahit walang kamay para magsulat, ginagamit niya ang kanyang paa sa paghawak ng lapis at ballpen.

Bumilib kay Niño ang kanyang guro dahil sa kabila ng kapansanan, aktibo ito sa klase.

Balak daw ni Niño na maging engineer kaya ngayon pa lang ay ginagalingan na niya ang pag-aaral para makamit ang pangarap.

Naging viral sa social media ang kuwento ng buhay ni Niño, marami ay bumilib dahil kahit may kapansanan ay masipag siya sa pag-aaral at gawaing bahay, hindi tulad ng ibang tao na kumpleto sa pisikal na kaanyuan subalit nagi­ging pabigat sa pamilya.