Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Batang Pinoy top 1 sa US Navy

0 192

MULING lumutang ang talent at kakayahan ng Pinoy sa Estados Unidos nang manguna ang isang batang Philippine Navy (PN) officer sa nasabing kurso.

Kinilala ang PN officer na si Lt. Junior Grade Roilan Seño na tumanggap ng Plaque of Recognition mula kay Capt. Alexis Walker, commanding officer ng Surface Warfare Schools Command sa Rhode Island, sa Estados Unidos noong nagdaang Agosto 6, 2021.

Si Lt. Junior Grade (LTJG) Roilan Seño, ay kabilang sa Philippine Navy Offshore Combat Force (OCF), na nakakuha ng cumulative grade na 96.3 percent. Nakakuha din ito ng Plaque of Recognition at Top 1 sa International Combat Information Center Watch Officer Course sa International Surface Warfare Officers School sa Naval Station Newport, Rhode Island.

Bukod kay Seño, may tatlo ding PN officers na nagtapos sa kurso na mataas ang grado.

“The Force extends its genuine congratulations to the students for exemplifying excellence and representing the country in the International Combat Information Watch Officer Course!” sinabi ng PN-OCF. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.