Una sa Balita

Batang Pinoy speaker sa Geneva Convention

0 511

ISANG batang Pilipino leader mula Donsol, Sorsogon ang nagtungo ng Geneva, Switzerland upang kumatawan sa mga bata sa Pilipinas sa buong mundo sa UN sa pagdiriwang ng ika-30 anibesaryo ng United Nations Convention on the Rights of the Child (UNCRC).

Si Zcyrel Barola, 17 ay kabilang sa tatlong mga tagapayong bata na napili na magsalita sa okasyon sa UN.

Dumating ang Pinoy tinedyer sa Geneva kasama ang Educo Phili­ppines, na tagasuporta sa samahan, upang sumali sa dalawa pang batang delegado mula sa Mexico at Canada.

Aniya, masaya siyang nakikipagtulungan sa mga bata tulad ng kanyang sarili. Pangarap niyang kumatawan sa mga bata hindi lamang sa Pilipinas kundi pati sa buong mundo sa isang international platform.

Sabi ni Zcyrel, may katuparan at kasiyahan kapag ikaw ay bahagi ng isang malaking bagay tulad nito.

Dagdag pa niya, nakikipagtulungan siya sa Educo Philippines hinggil sa mga proyektong pamamahala ng lokal na bata sa rehiyon ng Bicol.

Nagsisilbi rin siyang Presidente ng Donsol Children’s Federation.

Ang pagtitipon ay dadaluhan ng iba’t ibang ahensiya ng UN, estado at pambansang mga institusyon ng karapatang pantao, ang mga propesyonal na nagtatrabaho sa mga karapatan ng mga bata at mismong mga bata ay magninilay sa pagpapatupad at mga nagawa ng convention sa nakaraang 30 taon.

Ang UNCRC ay ang pinakamalawak na ugnayan sa mundo ng kasunduan sa karapatang pantao sa kasaysayan.

Kinilala ito sa pandaigdigang pagkilala at pangako na igalang, tuparin at protektahan ang mga karapatan ng mga bata. (Mina Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy