Una sa Balita

Batang Pinoy ipagpatuloy — Basadre

By
0 326

HINILING ng sports coaches at opis­yales ng iba’t ibang local government mula sa Mindanao na huwag alisin at ipagpatuloy sa susunod na mga taon ang pagsasagawa ng Philippine National Youth Games-Batang Pinoy dahil sa kabutihang naidudulot nito sa kabataan at pagiging hagdan para makaabot sa magandang edukasyon.

Ito ang ipinaliwanag nina City of Koronadal coaches Florentiono Basadre, Jr. at Rollie Loreno patungkol sa kabutihan na naidudulot sa kanilang probinsya ng programa ng ahensiya ng gobyerno sa sports para sa mga kabataang atleta edad 15-anyos pababa.

“Maliban po sa objective ng Philippine Sports Commission na bigyan ng torneo para madebelop ang mga kabataan, malaki din po ang naitutulong ng Batang Pinoy sa mga kabataan lalo na sa mga probinsiya dahil nalalaman ng mga magagandang eskuwelahan sa Maynila ang husay nila at binibigyan sila ng pagkakataon doon mag-aral,” sabi ni Basadre, dating regional coach ng national team sa archery.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy