Una sa Balita

Batang Pinoy gold medalist Ventura babanat sa Dasma

By
0 278

NAKATUTOK ang batang woodpusher na si Gio Troy Ventura sa paglahok sa National Age Group Chess Championships-Luzon Qualifying Leg II na iinog sa Marso 28 hanggang 30 sa Robinson Place sa Pala-Pala sa Dasmariñas City, Cavite.

Nais ni 11-year-old Ventura na ipagpatuloy ang magandang performance matapos sikwatin ang gold medal sa Boys 12-Under Rapid at Standard sa katatapos na 2019 Philippine Sports Commission-Batang Pinoy na ginanap kamakailan sa Ilagan City, Isabela.

Ipinakita ni Grade six pupil ng Francisco E. Barzaga Memorial School, Dasmariñas City, Ventura ang determinasyon sa pagsilo ng gintong medalya sa Rapid, matapos matalo sa opening round ay hinarurot nito ang anim na natitirang laro upang makuha ang inaasam na titulo.

 Nagharo rin si Ventura sa Under 12 division ng Thailand Pattaya Youth Chess Championship 2018 na ginanap sa Bay Beach Resort Pattaya, Banglamung, Chin Buried sa Pattaya, Thailand.

“Sana magtuloy-tuloy po ‘yung magandang laro ko, gusto ko talaga bigyan ng karangalan ang Pilipinas,” saad ni Ventura.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy