Una sa Balita

Jarencio pupukpukin pa ang Batang Pier

By
0 1,053

HABANG magkukuyakoy na ang Kia, ang kaharap nila sa alas-4:30 ng hapon ngayon na GlobalPort ay paka­kayuring-todo pa ni coach Pido Jarencio sa Smart Araneta Coliseum, Quezon City.

Na-eliminate na ang Kia, pero kahit na wala nang pag-asa, nagnanais pa rin na makapagbaon ng panalo para na rin sa paghahanda sa susunod na conference na Commissioner’s Cup.

Kailangan naman ng GP na manalo para hindi maalis sa puwesto sa top eight o makalapit sa quarterfinals, bukod sa gusto pang umangat hanggang top six para hindi sila magkaroon ng twice to win disadvantage sa PBA Philippine Cup elims.

Kasalukuyang nasa pampitong puwesto ang Batang Pier at may natitira pang isang laban pagkatapos ng kanilang laro ng Picanto.

Kakagaling lamang ng GP sa malaking talo kontra sa Magnolia noong nakaraang Biyernes, 81-96.

“Wala e pagod na pagod. Walang energy. Si Stanley (Pringle) nga is cramping kaya hindi na maka-shoot,” saad ni coach Jarencio matapos ang kanilang back to back game pero hindi parehas na ­resulta.

“Malaking bagay ‘yung nakakapag-pahi­nga ka. Just like what happened sa Talk ‘N Text. They’ve played five games, three games in one week. Kaya pagdating sa amin hirap na hirap. Pagod na kasi sila,” panapos niya.

Buong elimination hindi nakapaglaro si Terrence Romeo at hindi pa rin nag-eensayo kahit sa Gilas Pilipinas. Wala pa ring katiyakan kung kailan magbabalik sa hardcourt ang main gunner ng Batang Pier na kasaluku­yang nagpapa-therapy.