Una sa Balita

Batang Pier hikahos sa quarterfinal round

0 264

Standings W L
Phoenix 9 2
Rain or Shine 8 3
TNT 7 3
Ginebra* 5 3
SMB 6 4
Magnolia 5 5
NLEX* 4 5
Alaska 4 5
Columbian 4 7
Meralco 3 7
NorthPort 2 6
Blackwater 2 9
*-naglalaro pa kagabi

Mga laro ngayon: (Araneta Coliseum)
4:30pm — NorthPort vs. TNT
6:45pm — SMB vs. Alaska

INUMPISAHAN ng NorthPort ang PBA Phi­lippine Cup sa dalawang sunod na panalo, pero pagkatapos ‘nun ay tumikim ng anim na kabit na sadsad.

Huli silang tumukod sa Magnolia, 103-90, noong Miyerkoles.

Balik ng Smart Araneta Coliseum ang Batang Pier para harapin ang 7-3 TNT sa first game mamaya, bago ang bakbakan ng 6-4 San Miguel at 4-5 Alaska.

Ang istorya ng mga talo ng Batang Pier, puro sa fourth quarter. Luma­lamang pa sila sa first three pero pagdating sa dulo ay tumutukod.

“It’s always been the fourth quarter,” himutok ni Sean Anthony, tumabo ng 22 points mula 9 of 22 shooting at may 8 rebounds pero napuwersa sa 6 turnovers kontra Hotshots. “Every game, we’ve been up at some point and fall apart in the fourth.”

Wala silang finishing kick.

Nasa 11th place sa kasalukuyan ang NorthPort, nanganganib nang mapagsarhan sa playoffs. Nasa unahan nila ang Meralco (3-7), Columbian (4-7), Alaska (4-5) at NLEX (4-5). (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy