Una sa Balita

Batang Pier ‘di pa suko kay Gregzilla

0 507

MAHIRAP palagpasin ng NorthPort ang pagkakataon na magkaroon ng 7-footer sa kanilang team.

Kaya nang makasilip ng pagkakataon, in-en­­tertain ng Batang Pier ang trade sa Ginebra para makuha si Greg Slaughter. Kahit ibig sabihin ay pakakawalan ng Mikee Romero-owned franchise si Christian Standhardinger.

Pagdating ni Standhardinger sa Batang Pier mula San Miguel Beer noong October ay umangas ang team ni coach Pido Jarencio, sa unang pagkakataon ay sumampa sa semifinals sa huling Governors Cup. Ang 6-foot-7 Fil-German pa ang tinanghal na Best Player of the Conference.

Pero iba ang dala ng isang higanteng tulad ni Slaughter.

“Nakita na ‘yan in the last Commissioner’s Cup,” rason ng isang source mula NorthPort.

Sa midseason conference, No. 2 pagkatapos ng eliminations ang Batang Pier sa likod ni 7-foot import Prince Ibeh.

“Ibeh was a rebounder, shot blocker and a totally dominant inside presence,” paliwanag ng insider. “Slaughter can do all those things and he is a much better scorer than Ibeh.”

Bumitaw si Slaughter sa Ginebra matapos mag-expire ang kontrata pagkatapos ng 2019 season. Mahihirapan siyang bumalik dahil hawak ng Gin Kings ang rights sa kanya. Puwe­de lang siyang makalipat kung isusuko ng Gins ang rights, o iti-trade siya.

Nakabitin ang kapa­laran ng NorthPort dahil sa biglaang pag-atras ng slot man sa paglalaro.

“First and foremost, lahat ‘yan nakasalalay kay Slaughter,” giit ng source.

Sa Ginebra lang nag­laro si Slaughter, team na humugot sa kanya bilang No. 1 pick noong 2013. Naging Rookie of the Year siya sa taong iyon, at maha­lagang piyesa sa huling apat na kampeonato ng Gins huli sa Governors Cup. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More