Una sa Balita

Batang Novaliches nambulaga

0 268

SWAK sa gitna sa huling kurba ang seventh choice Batang Novaliches kaya nakuha ang panalo sa PHILRACOM – RBHS sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas Linggo ng hapon.

Halos bugaw sa largahan si Batang Novaliches pero lumabas ang tikas ni apprentice rider Pablito Caballejo, dumiskarte, nagmasid muna ito sa likuran bago umusad ng bahagya, papasok ng far turn.

Naglulutsahan sa unahan ang liyamadong Blue Orchid at Unlimited Song habang nasa tersero si Feastful.

Nasa pang-pitong puwesto ang winning horse pagdating sa hometurn at saka dumaan sa gitna upang agawin ang unahan kay Blue Orchid sa rekta.

“Nakita ko maluwag na ‘yung dadaanan namin, ang dami kasing tumakbo kaya hindi agad ako makapagparemate,” hayag ni Caballejo. “Sabi ko sa huling kurba kapag nagbukahan ay saka ako papasok sa gitna, mabuti at nangyari ‘yung iniisip ko.”

Tinawid ni Batang Novaliches ang meta na may dalawang kabayo ang agwat sa nasegundong Unlimited Song.

Nahablot ng may-ari ni Batang Novaliches na si Fernan Reyes ang karagdagang P10,000 na premyo mula sa Philippine Racing Commission (PHILRACOM).

Nirehistro ni Batang Novaliches, anak ng dating­ kampeon na Real Spicy, ang 1:27 minuto sa 1,400-meter race.

Tumersero si Blue Orchid, pumang-apat naman si Mama Pls Don’t Cry. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy