Una sa Balita

Batang may leukemia pinasaya ni Duterte

0 544

PINASAYA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang batang lalaki na nagpapagaling sa sakit na leukemia makaraang magkita sila sa kanyang bahay sa Davao City.

Masaya ang mukha ng batang si Jacob nang makita ang Presidente kung saan nagkuwentuhan sila at niyakap at hinalikan pa siya sa noo ng Pangulo.

Batay sa inilabas na kuhang video ni Johanne Bernice Guitgen Wong sa Facebook, kitang-kita ang kasiyahan ng batang si Jacob habang kasama ang Pangulo.

Niregaluhan siya ni Pangulong Duterte ng big bike toys at naka-kuwadrong larawan ng Presidente.

Kitang-kita ang kasayahan ng batang si Jacob sa video dahil nakauwi na ito ay nagsasayaw pa ito sa harapan ng larawan ng Presidente.

Sa kabila ng pagiging matigas ng Pangulo sa mga polisiya at mga ginagawa nitong pagbabago sa gobyerno, may malambot na puso naman ito sa mga bata, lalo na sa mga may malulubhang sakit.

Tuwing pasko o bago mag-bagong taon ay binibi­sita at pinapasaya ni Pangulong Duterte ang mga batang maysakit na cancer sa hospital sa Davao City. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy