Batang ina isama sa family planning program

IGINIIT ni Usec. Juan Antonio Perez, executive director ng Population Commission (Popcom) ang pangangailangan na maibalik ang access ng mga kabataan sa reproductive health program ng gobyerno.
Ito aniya ay dahil nasa pitong mga 10 hanggang 14-anyos ang nanganganak sa bansa kada araw.

Ang mga pangyayaring ito rin aniya ang nagtulak upang ipanukala na maisama ang mga batang ina sa social protection ng Department of Social Welfare and Development.