Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Batang ina dumarami

0 198

Dumoble ang bilang ng mga kabataang 15-anyos pababa na nabubuntis nang maaga, ayon sa Commission on Population and Development (PopCom).

Sa Senate budget hearing noong Huwebes, sinuportahan ng PopCom ang panukalang batas na itaas ang edad sa statutory rape.

Suportado ng PopCom ang panukala ni Senate Majority Floor Leader Juan Miguel Zubiri na itaas ang edad ng statutory rape sa bansa sa 16-anyos.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ilalim ng kasalukuyang batas, ang statutory rape ay nangyayari kapag ang offended party ay 12-anyos pababa.

Ayon kay PopCom Executive Director Juan Antonio Perez III, umakyat sa 2,200 noong 2018 ang teenage pregnancies ng edad 10 hanggang 14. Doble ito sa naitalang 1,000 pagbubuntis ng mga bata taong 2007.

“It’s the one figure that has been increasing,” wika ni Perez.

Nasa 40 na 10-anyos pababa ang nanganganak aniya kada linggo.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.