Una sa Balita

Batang hamog huli sa ice pick

0 315

DINAKMA ng mga tauhan ng Marikina City Police ang isang batang hamog makaraang ireklamo na naninindak sa hawak na ice pick habang naglalakad sa kalsada ng Brgy. Sto. Niño, Marikina City, kamakalawa nang hapon.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ng Eastern Police District nakilala ang suspek na si Mark Samson Sabe, 18-anyos, at walang permanenteng tirahan.

Ayon sa report, nakatanggap ng tawag ang mga tauhan ng Marikina Police kaugnay sa pagala-galang batang hamog na naninindak umano dahil sa dalang ice pick habang naglalakad sa kahabaan ng Villalun St., Brgy. Sto. Niño, bandang alas-tres kamakalawa nang hapon.

Agad na rumesponde ang pulisya at nang papalapit na sila ay agad na tumakbo si Sabe. Nalambat naman ito at nakuha ang dalang ice pick at nang kapkapan ay nakuha ang isang plastic sachet na naglalaman ng shabu sa kanyang bulsa.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Marikina detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 at paglabag sa Omnibus Election Code dahil sa dalang deadly weapon. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More