Una sa Balita

Batang Fil-Am unang ‘black Marie’ sa ‘The Nutcracker’

0 371

ISANG 11-anyos na Filipino-American ang napiling gumanap na kauna-unahang ‘black Marie’ sa ‘The Nutcracker’ sa New York City Ballet.

Nag-aaral si Charlotte Nebres ng ballet sa School of American Ballet sa NYC kung saan ginanap ang mga audition para sa ‘Nutcracker’.

Siya ang masuwerteng napili sa may 180 batang nag-audition para maging si Marie, na isang batang nabighani sa wooden nutcracker.

Naninirahan si Nebres at kanyang pamilya sa Madison, New Jersey.

Isang Pilipino ang kanyang ama habang ang kanyang ina ay isang Trinidadian. (IS)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy