Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Batang Cabrera may ibubuga

0 45

MULING makikilatis ang tikas ni Batang Cabrera pagsalang nito sa Philracom Rating Based Handicapping System Race ngayong araw sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Ayon sa ibang karerista, posibleng magbigay ng magandang laban kay Batang Cabrera ang kalahok na sina Iniki Runner at Crown In My Head sa event na may distansyang 1,300 metro.

Maliban sa dalawang kabayong nabanggit, makakaharap din ni Batang Cabrera na rerendahan ni jockey AM Tancioco sina Inter State, Big Hook, Our Secret, Hawk Eye at Excellence.

Related Posts

“Magaling si Batang Cabrera pero dahil dehadista ako, kay Our Secret ako lalagay,” saad ni Carlos Valencia, karerista veteran.

May added prize na P25,000 na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta habang may karagdagang P5,000 naman sa winning horse owner sa karerang inisponsoran ng Philippine Racing Commission.

Samantala, walong karera ang pakakawalan ng Philippine Racing Club Inc. (PRCI) ngayong araw. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.