Una sa Balita

Batang Arrastre mapapalaban

By
0 343

MAG-UUNAHAN ang 10 tigasing kabayo sa Condition Race category 19 na ilalarga ngayong gabi sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Inaasahang mara­ming susuporta kina Smart Tony at Batang Arrastre dahil sila ang napipisil ng mga karera tipster sa programa.

“Magagaling ang mga kasali kaya anybody’s race itong laban namin,” saad ni class A rider Ronald Baldonido na rerenda kay Batang Arrastre.

Ang ibang kalahok sa 1,200-meter race ay sina Abakada, Leather King, Alahero, Dauntless, Buenos Aires, Expensive, Fussion Drive at Pilya.

Samantala, makikilatis si Manila Bay sa Condition Race category 16 na pasisisbatin sa Race 3.

May distansya ring 1,200 meters ang nasabing karera, makakaharap ni Manila Bay sina Purple Temper, Pious Ashley, Love Affair, Pabulong at Del Monte.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy