Una sa Balita

Batang aktres sinisiraan ng ex-dyowa

0 856

Ni Rose Garcia

Awa ang nararamdaman namin para sa isang young actress. Pagkatapos niyang ibuhos ang buong pagmamahal, lalo na ang generosity niya dahil sa todo kung magtiwala, heto’t ang ex boyfriend niya ay binabaligtad pa ang dahilan ng break-up nila.

Pa-victim at paawa effect ang ex-boyfriend ni young actress.

Alam ni young actor kung ano ang mga naging pakinabang niya kay young actress. In fairness sa young actress, matagal itong gumib-ap sa relasyon nila at umasang magbabago si ex-bf.

Dumating sa puntong napagod at nagising na si young actress. Pero ang ending, si ex-bf ay paawa at pa-victim effect, lalo na sa mga kakilala nila.

Pinapalabas nitong siya ang naapi at gumagawa rin ng kuwento na sinisiraan si young actress.

Wish namin na ‘di magtagumpay si ex-bf at kahit mga kaibigan niya mismo ay makita ang totoong ugali nito.

***
Maine type ni Bong

Halata ang saya ng dating senador at ngayo’y muling tatakbo sa pagka-senador na si Bong Revilla nang makaharap na niya ang entertainment press.

Unang pagkakataon nga ni Bong na makaharap muli ang press pagkatapos ng apat na taon at anim na buwan niyang pagkakakulong sa Camp Crame.

Bakas din naman sa mukha ng press na makita at makausap na siya na tulad ng dati.

Kasama ni Bong dumating ang misis niya, si Mayor Lani Mercado-Revilla na ang tanong namin sa kanya ay kung ano ang pinaka na-appreciate niya kay Lani.

“Doon ko na-realize kung gaano niya ko kamahal. Nandon na ‘yung may kasalanan ako pero siya ang naging ina at tatay ng tahanan.

“Ibang klase. Hindi ako nagkamali ng pinili na asawa ko.”

Thankful din si Bong kay Lani na siyang nag-iikot para ipangampanya siya.

At ang dami na nga niyang naungusan sa survey ng Pulse Asia.

“December, kalalabas ko lang, tapos ganu’n ang resulta. Sa lahat ng nagmamahal sa akin, maraming salamat.

“Well, unang-una siyempre, kapag nag-iikot tayo, gusto nilang malaman kung ano ang naging buhay ko sa loob, ano ang nararamdaman ko ngayon.

“In fact, I don’t wanna talk about politics muna, wala pa naman tayo dun.
Sa politics naman, nakita naman ang ginawa natin, hindi naman matatawaran.”

Sabi niya rin, “Sa mga isyu natin, korte na ang sumagot and I’m so blessed na hindi rin ako pinabayaan ng Panginoon.”

Nagpakita na ng teaser sa ginanap na presscon ni Bong ng comeback movie niya, ang “Alyas Pogi”. Gagawin pa raw niya ito after ng election at siya mismo ang nagsulat ng script habang nakakulong siya. In fact, limang script daw ang nagawa niya na lahat ng ito, plano niya talagang isapelikula.

Nang tanungin nga kung sino ang napipisil niyang lea­ding ladies, sina Maine Mendoza at Pia Wurtzbach ang mga nabanggit niya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy