Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Batang aktres ‘sinapian’ dahil kay young actor

0 175

Parang sinasapian daw ng kung ano-anong espiritu ang young actress na ito na tuwing kasama ang isang cute na young actor.

Ayon sa ilang nakakakilala sa young actress, nag-iiba raw bigla ang personality nito kapag katabi na nito ang young actor. Bigla raw nagkaroon ng accent ang kanyang pag-Ingles at bigla umanong nagle-level up ang pagpapa-sweet.

“Kilala ko ang babaeng yan mula ulo hanggang paa. Hindi siya ganyan. ’Yung bigla na lang nagpapaka-prim and proper. Jologs ‘yan in real life. Kung umupo nga ‘yan nakabukaka at paborito niyang kainin ay ’yung maanghang na pusit na nabibili sa tindihan at chicharon na may laman na sinasawsaw niya sa suka na may sili. Ewan ko ba kung bakit bigla siyang nabago ng kung sino siya dahil lang sa lalakeng iyon. Parang ang fake na niya ngayon. Nakakailang na siyang kasama,” sey ng taong malapit sa aktres na imbiyerna na sa kinikilos nito.

Chika naman ng isa pang malapit sa aktres: “’Yung nagiging kilos niya ngayon, hindi na siya ’yung dating nakilala ko. Magkababayan kami niyan. Kaya tuwing magkasama kami, kung ano ang lenguahe namin sa probinsya, gano’n kami magsalita kahit na may ibang tao sa paligid. Ngayon, kung maka-Ingles akala mo pinanganak sa Amerika. At may kung anong accent pa bilang bonus. Kung kanino niya natutunan ’yan, hindi ko feel kasi hindi siya ‘yon.”

Hirit ng isa pang friend ng aktres: “Naiilang na kaming kasama siya. Kasi Ingles siya nang Ingles. Wala namang masama roon, kaso kami ito, eh. Kami ’yung mga friends niya na nakasama niya simula pa noong mangarap siya na maging artista. Kung gusto niyang maging barkada pa kami, maging totoo siya sa sarili niya. Huwag niya kaming idaan sa mga natutunan niyang English words mula sa kinababaliwan niyang aktor. Miss na namin na makasama siya, kaso kung iibahin niya kung sino siya dahil sa career niya ngayon, mabuti na ngang lumayo na kami sa kanya. Allergic kami sa mga taong peke.” (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.