Una sa Balita

Batang aktres kinamumuhian sa Qatar

0 560

Alam mo, Dondon, nag-layover noong Monday morning sa Doha, Qatar ang ilang star na nakasama sa “ASAP Natin ‘To”, at may ilang mga Pinoy na nasa airport ang nakatsikahan ko pagkaalis nila.

Sabi ng isa, so nice ang marami sa star na dumaan doon, pero ‘yung isang aktres na noon pa may issue ng pagkaisnabera, wala pa rin palang pagbabago at isnabera pa rin ang image, huh!

Hindi na ako nagtaka sa itsinika sa akin dahil kahit naman noong nagpa-presscon siya para sa kanyang concert ay nagpakaantipatika siya sa owner ng restaurant considering na hindi sila pinagbayad para sa event na ‘yon, ‘noh?!

That time ay kinukunan siya ng video ng napakabait na owner at nag-dialogue talaga siya kung kailangan ba talaga ‘yon.

Hindi talaga ma-PR ang babaeng ‘yan, kaya hindi na ako nagtaka sa kuwentong isnabera siya. Actually, kapag nakikita niya ako, hindi rin siya bumabati, pero pakialam ko ba sa kanya. Deadmadela rin ako sa kanya!

Peo enough of her na, ang ikinabigla ko ay ang tsikang isnabera na rin daw ang isang young actress.

Bakit kaya? Baka pagod lang sa biyahe? O may pinagdadaanan? Mukhang ok naman sila ng kanyang boyfriend.

Si young actress kasi, puro magaganda ang naririnig ko, kaya nagtaka talaga ako nang may nagsabi na isnabera rin siya.

Anyway, ang sey naman ng isang Pinoy staff na nakausap ko sa Doha airport, ang international celebrity na si Kim Kardashian ay nakita na rin daw niya roon, pero nasa VIP room daw at hindi niya nalapitan.

Pati raw ang rapper na si Neo ay nakita na rin daw nila roon.

“May NBA players na rin na nakita namin dito, like James Edward Harden, Jr. ng Houston Rockets,” sey pa ng kausap ko.

Bongga!

Coco mabait sa mga fan abroad

Anyway, isa sa stars na nag-layover sa Doha noong Monday morning ay si Coco Martin na always ma-PR naman.

May iba naman daw na kasamang nag-layover sa Doha ang tila nag-enjoy sa kasa-shopping sa Duty Free at sumakay na lang ng airport buggy cart para hindi masarhan sa boarding gate.

Narinig ko na nagkukuwentuhan ang mga Pinoy sa airport tungkol doon, pero ang ikinaloka ko, akala ng isang Pinoy ay isa si Rayver Cruz sa Kapamilya star na nakita niya na galing sa Milan.

Eh, matagal-tagal na ring nag-ober da bakod sa GMA-7 si Rayver, huh!

Hahaha!

James Reid ‘di na supladito

Ayon naman sa ilang friends ko na nag-“ASAP Natin ‘To” in Rome, napansin nila na very accommodating si James Reid sa mga nagpapa-picture.

May nagsabi na “bumait” ang boyfriend ni Nadine Lustre. Noon kasi ay nagkaroon ng issue na supladito si James.

Well, good to know na maraming mga nagsasabing mabait ang binata, huh!

Agree, Dondon?

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy