Una sa Balita

Batang aktor pagod nang makipaglambingan kay batang aktres

0 1,055

abante-i-know-better-jun-nardoInaayawan na raw ng isang young actor ang pelikulang ino-offer­­ ng kanyang studio. Kapag love story ang konsepto, binabaril niya agad.

Eh, kapag kapareha ng young actor ang ka-loveteam, patok na patok ang movie nila sa mga manonood. Pero ayon sa aming source, gusto ng young actor na baguhin ang kanyang image.

Pasok naman siya sa gusto niyang image pero siyempre, mas nangi­ngibabaw ang gusto ng network niya sa unang image na sinimulan niya. Takot silang baguhin ang imahe ng young actor dahil baka hindi siya kagatin ng publiko, huh!

Dyowa ni Ai-Ai nakipagsagutan kay Cherie Gil

Isang eksena sa “Onanay” ang ipinost ni Ai-Ai delas Alas sa kanyang Instagram and guess kung sino ang kasama nina Cherie Gil at Kate Valdez? Ang asawa niyang si Gerald Sibayan, huh!

Kuha sa loob ng isang maliit na erop­lano ang eksena. Hindi naman si Gerald ang nagpapalipad ng plane pero ayon sa caption ni Ai-Ai, si Cap @louieconcha, instructor ni Gerald sa flight school.

Komento ng isa niyang follower @butrscotch_147 At ang taray si Ms. Cherie ang kaeksena…Kinabog ka @msaiaideasalas…hehehe.”

Tugon naman ni Ai, “Ngayun ko nga naisip buti pa siya nakaeksena si Ms. Cherie Gil.”

Pero ayon sa Comedy Queen, camera shy ang asawa at ayaw nitong mag-artista kahit pasado ang pagi­ging guwaping, huh!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy