Una sa Balita

Batang aktor pagod nang itago ang karelasyon

0 499

Pagod nang itago ng batang aktor ang kanyang dyowa. Kaya sa mga nakaraang post niya sa Instagram, inilantad na niya ang kanyang non-showbiz girlfriend.

“Ang hirap! It’s unnecessary step para sa akin. Doon ako nakakauha ng happiness. Gusto kong mag-share. Kasi hindi masaya,” pahayag ng aktor.

Eh hindi ba siya pinagbawalan manager niya?

“Dati. Ngayon hindi na! Ha! Ha! Ha!

Puwede bang malaman ang pangalan ng dyowa niya?

“Name niya? Ayokong sabihin kasi hindi siya masyadong sanay sa gulo,” saad pa niya.

Mabuti at pumayag ang girlfriend niya na lumabas ang picture nila?

“Sa kanya, walang problema. Hindi niya ina-ask. Ako lang ang gumawa. Siguro naman puwede ako mag-find ng life partner! Ha! Ha! Ha!” dahilan ng batang aktor.

“Never ko siyang itinago. Personally, early stages ng relationship namin. Siyempre, bakit mo ipo-post agad?

“Kailangan kilala niyo ang isa’t isa. Kapag na-establish mo ito at kaya mo ito, hayun, post ko. Actually, anniversary namin tomorrow (today Jan. 22). One year,” sabi pa niya.

So behave na siya ngayon?

“Always behave. Never akong naging babaero. Dito lang (sa series). ‘Yung sa La Union, single ako noon kaya walang masama! Ha! Ha! Ha!” diin ni Migo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More