Una sa Balita

Batanes nakaalerto na kay ‘Dindo’

By ,
0 1

Nakaalerto ngayon ang pamahalaang lalawigan ng Batanes dahil sa ulat na pananalasa ng bagyong Dindo.

Base sa pinakahuling weather bulletin ng ­Philippine Atmospheric Geophysical and Astrono­mical Services Administration (PAGASA), ­huling ­namataan ang bagyo sa 985 kilometers East ­Northeast ng Itbayat, Batanes habang mabagal pa ring kumi­kilos sa direksyong Northeast.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 160 kilo­meters kada oras at pagbugsong aabot sa 195 kilometers kada oras na kumikilos sa direksyong Northeast sa bilis na 7 kilometers kada oras.

Sa pagtaya ng PAG­ASA, ngayong ­umaga, nasa 1,140 ­kilometers East Northeast ng ­Itba­yat, Batanes ang bagyong Dindo at nasa 1,520 kilometers East Northeast ng Itbayat sa Linggo ng umaga, o nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Todo naman ang pagbibigay ng ayuda ng NDRRMC sa mga resi­denteng naapektuhan ng bagyo katuwang ang DSWD.