Una sa Balita

Batanes, Cagayan tinutumbok ni Ompong; storm surge binabala

By ,
0 560

PUMASOK na alas-tres kahapon ng hapon sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong ‘Ompong’ (Mangkhut ang international name) taglay ang lakas ng hangin na 220 kilometers per hour (kph) at bugso na 270kph, ayon sa Phi­lippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Oras na pumalo ang lakas ng hangin ni ‘Ompong’ sa 225kph ay ilalagay ito sa kategoryang supertyphoon.

Maaari umanong isailalim sa Signal No. 1 ang Eastern Luzon ­Miyerkoles ng gabi.

Abante Hiring – IT dep

Ang Cagayan ­Valley ang tinutumbok ng bagyo at ang mga probinsya sa rehiyon ang unang makakaramdam ng malakas na ha­ngin.

Ang pinakamaulan umano ay sa Biyernes at Sabado kung kailan posibleng mag-landfall ang bagyo sa mga lalawigan ng Batanes at Cagayan.

Pagasa nagbabalang storm surge

Sa naunang Pagasa advisory, ibinabala ng ahensiya na kapag nag-landfall ang bagyo ay asahan ang storm surge o daluyong na aabot sa lima hanggang anim na metro ang taas.

Hindi umano dapat balewalain ang storm surge warning dahil mapaminsala ang daluyong kahit pa lima hanggang anim na metro lang ang taas nito gaya ng nangyari noong 1981 at 1985 kung saan may 100 katao ang nasawi dahil dito.

Pinabulaanan din ng Pagasa na aabot ng 15 metro ang taas ng storm surge na idudulot ng papasok na bagyo. Wala pa umanong ganitong kataas na storm surge na naitala at hindi rin ito mangyayari sa bagyong ‘Ompong’.

Nabatid na noong pananalasa ng super bagyong ‘Yolanda’ ay nasa pito hanggang walong metro ang storm surge.

Pero, sa lakas ng hangin na 220kph ay kaya umanong sirain ng bagyong ‘Ompong’ ang mga bubungan, gawa man ito sa light materials o sa yero. Inaasahan din na maraming puno ang mabubuwal at mga poste na magbabagsakan.

NDRRMC, PNP full alert sa super bagyo

Inilagay na sa fuller alert status ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng kanilang ahensiya bilang paghahanda sa bagyo.

Gayundin si Philippine National Police (PNP) Director Gene­ral Oscar Albayalde na nagsabing simula alas-sais ng umaga ngayong Huwebes ay inilagay na niya ang lahat ng mga PNP unit na nakabase sa Luzon sa full alert status upang masiguro ang agarang disaster response sa mga lugar na sasalantain ng super bagyong ­‘Ompong’.