Una sa Balita

Bata yuko sa Vietnamese

0 350

NABIGO si Team Billiards Pilipinas playing coach Efren ‘Bata’ Reyes na makausad sa kampeonato matapos itong matalo ng World Cup champion na si Dinh Nai Ngo ng Vietnam, 100-14, sa semifinals ng 1-cuhsion event ng sports na billiards sa ginaganap na 30th Southeast Asian Games.

Ipinamalas ng 38-anyos na si Ngo ang kanyang husay na nagtulak din dito na tanghalin bilang World Cup ­champion sa 3-cushion sa ­pagsagupa nito sa 65-anyos na si Reyes tungo sa pagwawagi sa unahan na makaabot sa iskor na 100 labanan.

Si Ngo ay naging silver ­medallist din sa Asian Indoor and Martial Arts Games sa Incheon, Korea noong 2013.

Tanging nagawa lamang ni Reyes na makaiskor ng ­kabuuang 14 ­puntos sa krusyal na laban upang muling ­mabigo na ­malampasan nito ang ­nakamit na tansong medalya ­dalawang taon na ang ­nakalipas sa Kuala Lumpur, ­Malaysia. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy