Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bata sinalpok ng kotse

0 342

Isang oras bago pumasok ang bagong taon, nasawi ang isang batang lalaki matapos masagasaan ng isang motoristang papauwi na sa kanyang sa Maharlika highway sa Candelaria, Quezon.

Kinilala ng Candelaria police ang biktima na si Jhon Rey Abu Abu, 7-anyos, taga-Barangay Masin Norte, Candelaria.

Sa report, alas-11:00 ng gabi nang mabundol ito ng kotseng minamaneho ng 24-anyos na si Kenneth Enriquez na noon ay pauwi na sa kanilang bahay sa bayan ng Tiaong.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Bigla umanong tumawid sa highway ang bata.

Nagtamo ito ng pinsala sa ulo at katawan at nasawi habang isinusugod sa Peter Paul Medical Center sa bayan ng Canadelaria.

Sumuko naman sa pulisya ang driver ng kotse. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.