Una sa Balita

Bata ni Gloria umamin sa 60M pondo ng bawat kongresista

By
0 1,703

Inamin ni House Majo­rity Leader at Camarines Sur Rep. Rolando ­Andaya na may P60 mil­yong pondo ang bawat kongresista sa ilalim ng 2019 P3.757 trilyong national budget pero mariin nitong itinanggi na isa itong pork barrel fund.

Ayon kay Andaya, dating Budget secretary noong Arroyo administration, hindi ito maituturing na pork barrel fund dahil sa kailangang ilista ng bawat kongresista ang mga proyektong paggagamitan ng pondo.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag upang pasinungalingan ang sinabi ni Senador Panfilo Lacson na tadtad ng pork barrel fund ang 2019 proposed national budget at bawat kongresista ay may P60 milyon.

Itinanggi din ni Andaya ang mga paratang na ang pamamahagi ng P60 milyong pork barrel ay utos mismo ni dating Pangulo at ngayon ay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

“What is erroneously being referred to as pork barrel in the 2019 GAB (General Appropriations Bill) are funds initially allotted for all congressional districts in the country. The underlying principle here: no district will be left behind. All will get a share a piece of the pie, for the bene­fit of their constituents. These are not pork barrel funds declared illegal by the Supreme Court,” diin pa ng kongresista mula sa Bicol region.

Tiniyak din ni Andaya na hindi nila sinusuway ang utos ng Supreme Court laban sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel fund at Disbursement Acceleration Program (DAP) fund.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy