Una sa Balita

Bata ni Cayetano nangamote

0 633

PINAREREPASO ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa kanyang economic team ang listahan ng mga flagship project ng gobyerno sa ilalim ng Build, Build, Build program bunga ng mga binasurang proyekto.

Ito ang inamin ni Bases Conversion Development Authori­ty (BCDA) President at CEO at Presidential Adviser for Flagship Programs and Projects Vivencio Dizon, isang araw matapos isiwalat ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na ‘failure’ ang Build, Build, Build program ng administrasyong Duterte.

“One of the reasons why we revisited the list of 75 is because there were some projects in that list that after the feasibility studies, they were found out to be not yet feasible now. They may be feasible in the future, but not yet now. Meaning if a project does not have an economic rate of return of 10% or higher, we won’t implement it. So, we had to revisit and put in projects that are urgent that we can already start now. These include several PPP projects,” paliwanag ni Dizon.

Aminado ang opisyal na karamihan sa mga proyektong napabilang sa Build, Build, Build ay ideya o nasimulan na ng nagdaang administrasyon at itinuloy ngayon ng Duterte administration.

“Masaya ba kami? Masaya ba si Presidente? Masaya ba ang Economic Team dito sa mga numerong ito? Maniwala kayo, ang sagot namin eh hindi pa rin kami masaya. Bakit? Kasi marami pa ring kulang, marami pa ring kailangang i-build, marami pa ring kaila­ngang gawin para maibsan natin ang pang-araw-araw na hirap na dinadanas ng ating mga kababayan,” dagdag pa ni Dizon.

Pumalag naman si Dizon sa pahayag ni Drilon na bigo ang Build, Build, Build program ng administrasyon.

“While we respect the views of our co-partners in government, other officials of government, we have to disagree with the statements that Build, Build, Build is being claimed not to be effective ‘no. So right off the bat, I’m here to tell you that Build, Build, Build is not a failure,” pahayag ni Dizon.

Si Dizon ay da­ting nagtrabaho kay House Speaker Alan Peter Cayetano noong senador pa ang huli. Naging miyembro rin si Dizon ng tinaguriang ‘Hawi Boys’ ng nama­yapang action king Fernando Poe Jr. noong tumakbo ito sa pampanguluhang halalan noong 2004.

Noong Martes ay isiniwalat ni Drilon na ‘dismal failure’ ang P9.2 trilyong Build, Build, Build program ng administrasyon.

Karamihan sa mga proyekto ay tinaguriang white elephant kaya’t binasura na lamang. (Aileen Taliping/Prince Golez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy