Una sa Balita

Bata ni Arroyo pumalag sa overpriced ambulansiya

By
0 551

IGINIIT ni House Minority Leader at Quezon Rep. Danilo Suarez na hindi tumpak ang paratang ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson patungkol sa diumano’y overpriced na ambulansiya para sa mga kongresista.

Ayon kay Suarez, hindi niya maintindihan kung saan hinugot ng senador ang presyo ng ambulansiya.

“I don’t know where he get that price of…kung overpriced ng P1,230,000 lamang ang sinasabing presyo ng ambulance. Baka 15 years ago ‘yun ang presyo ng ambulance,” paghahayag ni Suarez sa pulong-balitaan kahapon.

“Wala ka nang makukuha ngayon, the basic ‘yung mga Hi-Ace, ‘yung mga Nissan, Toyota, Mitsubishi. Ang complete ambulance with all the mga gamit sa loob, ‘yung iba meron pang defibrillator, ‘yung kung meron kang heart attack kukuryente ka para ma-shock ka nang konti, siguro aabutin ng mga P5M to P6M ang isang complete ambulance,” dagdag nito.

Ang problema aniya kapag bumanat na ang ­senador ay inaakala na ng lahat na tama at walang sablay sa mga pinagsasasabi nito.

“But the damage is there, nakasakit na ‘yun,” hirit pa nito.

Matatandaan na nauna nang niresbakan ni Deputy Minority Leader at Coop Natcco Rep. ­Anthony Bravo si Lacson at tinawag na personal vendetta lamang nito ang mga ginagawang pagsita sa 2019 national budget para hindi magtagumpay ang liderato ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Pero ayon kay Suarez, sana ay hindi tama ang punto na ito ng kanyang kasamahang kongresista.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy