Una sa Balita

Bata ng senador promotor ng fake news

0 496

SINO daw itong mi­yembro ng Upper House ang may ala­gang tagapagpalaganap ng fake news?

Nakarating sa impormasyon ni Mang Teban, gumawa daw ng kalokohan itong hambog na bata ng senador matapos sabihan ang isang reporter na manunumpa sa partidong nilayasan ng maraming politiko ang isang senatoriable mula sa mala­yong lalawigan.

Sa pag-aakalang naka-iskup na, ginawa agad ng reporter ang nakuhang impormasyon pero nang lumabas sa kanilang network ay agad namang itinanggi ng partido at ng mismong senatoriable.

Ang siste, kuryente pala o fake news ang ibinatong impormasyon ng hambog na bata ng senador.

Ang balita ngayon, iboboykot na raw ng mga kaibigan ng reporter ang nasabing staff at posibleng ma­damay pa dito ang amo niyang senador.

Pintahan n’yo na: Ang staff ng senador ay may letrang ‘M’ sa kanyang pangalan as in Manyak.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy