Una sa Balita

Bata nalunod sa Los Baños resort

By
0 443

KRITIKAL ang kondisyon nang isugod sa ospital ang isang 7-anyos na batang lalaki matapos itong malunod sa kiddie pool ng isang resort sa Los Baños, Laguna ng Martes nang umaga.

Kinilala na lang ang biktima sa pa­ngalang Ariel, na taga-Quezon City.

Batay sa ulat ng Los Baños police, nagtungo sa Hill Spa Resort sa Brgy. La­lakay ang pamilya ng biktima upang ipagdiwang ang wedding anniversary ng isang kapamilya.

Subalit habang naliligo sa kiddie pool ang mga batang kasama, naglaro umano ang mga ito ng patagalang nakalubog sa tubig.

Makalipas ang ilang sandali, nakita na lamang ang biktima na nakalutang ng padapa sa pool.
Agad itong sinagip at matapos lapatan ng first aid ay isinugod sa ospital.

Kasalukuyan pa ring comatose at nasa kritikal na kondisyon ang biktima, ayon sa doktor.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy