Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bata nakatapak ng live wire, utas

0 78

Patay ang isang isang 11-anyos na lalaki nang makatapak ng live wire sa Barangay Acereda sa Bobon, Northern Samar, kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Ivan Lauriano Dela Cruz na residente ng New Rizal sa Catarman.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, papunta sana sa sakahan ang menor de edad at ang dalawang kasama para kumuha ng mga cassava root crop nang matapakan ang live wire na naging sanhi ng kanyang pagkasawi.

Agad namang isinugod sa pagamutan ang bata ngunit idineklarang dead on arrival.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.