Una sa Balita

Bata nagsoli ng napulot na wallet na may lamang ₱13K

0 881

Hindi nasilaw ang 11-anyos na babae sa D­apitan City sa laki ng halaga na nakapaloob sa wallet na kanyang napulot sa kalye.

Sa halip, nagtungo siya sa police station kung saan ibinigay niya sa mga pulis ang nakita niyang wallet na naglalaman ng P13,000.

Sabi ni Jenimie Rendon, estudyante ng Dapita­n City Central School naglalakad siya malapit sa Jose Rizal Memorial State University nang makita ang itim na wallet sa daan.

Nang bulatlatin niya ito, nakita niya ang maraming pera subalit wala itong identification card sa loob. Doon na siya nagdesisyon na pumunta sa himpilan ng pulisya para isuko ito.

Sabi ni Jenimie, hindi umano sa kanya ang napulot niyang wallet kaya hindi niya itong puwedeng angkinin.

Umani naman ng papuri si Jenimie sa social media dahil sa kanyang ginawang kabutihan.