Una sa Balita

Bata iniwan sa kotse, nanay nag-walwal sa bar

By
0 1,531

GALIT na galit na ipinost ni Jasper Pascual sa social media ang kanyang nasaksihan na isang paslit ang iniwang nakakulong sa loob ng isang naka-park na SUV, kaya naman nananawagan ito sa pamunuan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mabigyan ng tamang aksyon ang ginawang pang-iiwan ng mga magulang ng bata.

"MAGULANG NA WALWAL INIWAN ANG BABY SA LOOB NG KOTSE SA PARKING LOT"So pauwi na ako from metrowalk and i was parked…

Posted by Jasper Pascual on Sunday, July 8, 2018

Batay sa panayam kay Pascual, agad niyang pinost sa Facebook nang makita ang isang bata na umiiyak sa loob ng isang Toyota Fortuner na may plakang WMI 661 na naka-park sa madilim na bahagi ng Metrowalk sa Ortigas, Pasig City.

Ayon dito, pauwi na sana siya bandang alas-otso noong Linggo ng gabi nang makita niya ang bata na walang tigil sa pag-iyak at tila nagmamakaawa sa kanya na ilabas sa pagkakakulong sa sasakyan.

Nagdurugo ang puso ni Pascual sa nasaksihan kaya agad itong lumapit sa security guard ng Metrowalk para ipahanap ang mga magulang ng bata.

Marahil umano ay iniwan ang bata na natutulog at posibleng nagi­sing ito dahil sa madilim at mainit sa loob ng nakakandadong sasakyan.

Bagama’t may iniwang maliit na awang sa nakabukas na bintana, hindi pa rin tama na iwan ang isang paslit na mag-isa sa loob ng naka-lock na sasakyan.

Nalaman na nagpunta umano ang magulang ng bata sa isang restobar sa Metrowalk.

Makalipas ang ilang minuto ay kasama na ng security guard ang ina na tila galit pa dahil pinasundo siya.

Umani ng maraming batikos ang post ni Pascual na nag-viral sa FB na kung saan ay inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga magulang ng paslit at kung may dapat itong panagutan sa batas sa ginawa sa kanilang anak.