Una sa Balita

‘Basurero’ Pepe Herrera suportado ni Coco

0 1,113

abante-paistaran-dondon-serminoCertified basurero na nga ang komed­yante/singer na si Pepe Herrera, at hindi niya ikinahihiya ‘yon.

Aba, matapos nga niyang magbida sa mga pelikulang “Hopeful Romantic” with Ritz Azul, at “Ang Pangarap Kong Holdup,” heto nga at ipinagmalaki pa niya na isa siyang basurero.

Anyare? Nasaan ang mga kinita niya? Bakit sa halip na yumaman siya dahil sikat na nga siya, bakit biglang naging basurero nga siya?

Heto ang sagot…

“Naranasan ko na magpulot ng very used condom. Naranasan ko na din magpulot ng styro na may tae ng tao. Sakto medyo matibay ang sikmura ko at natatawa ako sa kahit anong “kadiri”. Kaya siguro ginawang ganito ni God yung sense of humour ko. Kasi alam niya balang araw magiging basurero ako.”

Aktibo nga si Pepe sa pagsama sa mga grupo na naglilinis ng mga dagat, o kapaligiran.

“Post ko details sa IG stories and FB. Baka sakaling trip mo din magpulot ng kahit anong kadiri. Pasok natin sa sako tapos tawanan natin,” sabi pa niya.

At siyempre, suportado siya ng kaibigan niyang si Coco Martin, na kilala rin sa pag-aalaga ng kapaligiran. Hindi nga ba, gumawa siya ng sarili niyang ‘sakahan’ o ‘hardin’ sa mismong bakuran niya, na tinaniman niya ng mga gulay, na pinakikinabangan na ng pamilya niya ngayon.

Nagsama sina Coco at Pepe sa “Ang Probinsyano.” Naging sidekick si Pepe ni Coco, pero kinailangang ‘mamatay’ ng karakter ni Pepe sa teleseryeng ito, dahil hindi na rin kinakaya ni Pepe ang matindihang puyatan, paguran sa taping noon.

Pero, napanatili nga nila ang kanilang pagiging magkaibigan. At ‘yun na nga, suportado ni Coco ang pagiging ‘basurero’ ni Pepe, at proud na proud siya sa achievement na ito ng aktor/singer.

“Sobra akong proud sa kaibigan kong ito kahit san siya magpunta sobra ang concern niya sa environment. Minsan napagkamalan na siya ay nasisiran na ng bait at namumulot na lang daw ng basura. Totoo po yon namumulot siya ng basura para linisin ang kapaligiran pero hindi po siya nasisiraan ng bait dahil siya po ay ubod ng bait! Sana po tulongan natin siya mahiya nman tayo sa kalikasan pinakinabangan nanga natin binaboy pa natin!

“Maging concern nman po tayo sa ating kapaligiran wag lang ang sarili ang isipin! Naumpisahan na sa Boracay ngayon sa Manila Bay sana sa buong Pilipinas na!” caption ni Coco sa photo ni Pepe na namumulot ng mga basura.

Krystal nataranta sa mga sexy photo ni Marco

Si Krystal Reyes nga ang “apple of the eye” ni Marco Gumabao sa digital movie na “Apple Of My Eye” na mapapanood sa iWant sa Feb. 14. Bagay na bagay nga raw na pang-Valentine’s day itong movie na ito, dahil puno ng kilig, at light na light lang ang kuwento.

Pero, may kuwento si Krystal na nangyari sa mismong shooting nila, na ikinaloka nga niya.

“Actually sa shooting, may isang nakakakilig na eksena kaming kinukunan, tapos biglang may lumapit sa akin na taga-production, ipinakita ang mga picture ni Marco.

“Para raw medyo “maano” ako sa mga eksena. “‘Yun nga ‘yung mga naka-briefs siya sa mga photo. Ipinakita nila sa akin.

“Medyo nahiya po ako. Kasi ang seksi talaga niya. Parang nanibago ako. Nasanay kasi ako na puro bagets ang role ko. Tapos ngayon may mga ganu’ng eksena na ako.

“Pero, nanonood naman ako ng mga Korean drama, at may mga ganun din namang eksena. Pero, nailang talaga ako. Nataranta, kasi nga hindi naman araw-araw nakakakita ako ng mga ganun.

“Eh, sobrang kaswal lang nu’ng nangyari, na nasa taping ako, biglang may lumapit sa akin, ipinakita ‘yung mga photo na ‘yon. Sabi ko nga, ‘sino ba ito? Hahahaha!’

“Nu’ng makita ko na si Marco nga, naloka ako! Hahahah!” kuwento ni Krystal.

Pero, tulad ba ng ibang mga babae, nakaramdam din siya ng kilig sa mga nakita niyang katangian ni Marco?

“Choosy pa po ba ako? Hahahaha!

“Tatanggi pa ba ako sa abs? Hahahaha!” natatawang sagot ni Krystal.

Well…

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy